Nakakasakit ng Puso na Liham ng Isang Anak Para sa Kanyang Bagong Kasal na Ama, Pinalungkot ng Netizens!

Negros Occidental News Isabela News Leyte News Nueva Ecija

Emosyonal na liham ng isang anak para sa ama nito na may bago ng pamilya, nagpaluha sa mga netizens! Ang pagkakaroon ng isang buo at masayang pamilya ay maituturing ng biyaya, lalo na sa mga taong lumaking hindi naranasan ang alaga at pagmamahal ng kanilang sariling ama at ina. Hindi basta basta matitimbang ang bigat sa dibdib ng mga anak na siyang lubos na naaapketuhan ng ganito kalungkot na pagkakataon. Ito na marahil ang dahilan kaya maraming netizens ang napaluha ng mabasa ang mensahe ng isang anak para sa kanyang ama na may bago na pamilya. Ika nga ng isang netizen, “I\\\\\\\\’d never imagine that a “LOVE letter” could be this painful, soooo heart shattering.”

Isang liham ng pamamaalam sa kanyang tatay na bagamat sumama na sa iba ay punong-puno pa rin ng pagmamahal. Mababasa rin dito na ito raw marahil ang huling sulat ng anak sa ama sa kadahilanan na baka maka-apekto pa ito sa bagong pamilya ng ama.

“last napo itong love letter na ito pa promise hindi nako mang gugulo sa happy family nyo kase baka maging! sad family pa kayo” Halata man sa sulat kamay na nasa murang edad pa lang ang bata ngunit bakas na agad sa liham nito ang malawak na pang unawa.

Marahil isa sa mga pinaka apektadong netizen ay si Fhaza, kung saan ibinahagi nito ang sarili niyang karanasan sa mga anak, “I don\\\\\\\\’t know how to say this….pero i know ramdam to nang mga anak ko…..and im sorry for that kung naging broken family tau….its been 10 yrs but still i cant find the answers to those questions……BAKIT NYA TAU INIWAN Mhie…..i hope someday mapatawad nila ung ama nila but i know ung pangungunila ng mga anak ko for having a father is d matutumbasan ng salitang sorry……” – Fhaza Ganun din ang naging hinaing ni Aprilyn, nang mangulila sa ama ang mga anak nito.

Ayon sa kaniya, limang taon silang naghiwalay ng asawa ngunit buti na lang ay napagtanto nito na higit na mahalaga kaysa kanino man ang kanilang pamilya.

“Sa lahat talaga Ng mga naghihiwalay mga anak ung sobrang apektado ganyan din mga anak ko mahigit limang taon d Wala kmi communication Ng papa nila kc naghanap iba ung papa nila there\\\\\\\\’s a lot of time na sinasabi Ng mga anak ko na di daw Sila love papa nila bkit daw ganito ganyan at di q Rin akalain na magiging ok pa ulit kmi for now planning kami Ng Asawa ko umuwi sa province at super tuwa Ng mga anak nmin na naging ok ulit family nmin..Minsan need lng ma realize Ng partnEr natin ang halaga Ng pamilya..” – Aprilyn 

Paalala naman ng Facebook page na SuperMom na siyang nagbahagi ng litrato ng liham ng bata ay mahalin ang mga anak kahit may iba ng pamilya o kinakasama. Dahil iwanan man sila ay hinding hindi mapapalitan ng anak ang magulang nila.